
Ayon kay Tom Rodriguez, importante na hindi lamang makuha ang puso ng babae na kanyang gusto. Kailangan ring bigyan ng halaga ang pagkuha ng loob ng pamilya nito.
Kuwento ni Tom sa usapang love ng Sarap, 'Di Ba? nitong April 13, ito ay dahil sa likas sa mga Pinoy ang pagiging family oriented.
Aniya, "Tayong mga Pinoy ay very family oriented. Sa isang relasyon, kayo naman talaga 'yung sentro doon, pero nandoon pa rin 'yung pagiging family oriented ng bawat isa ninyo."
Dagdag pa niya, kulang ang pagiging compatible lamang ng isang couple dahil kailangan rin nilang makasalamuha ang pamilya ng bawat isa.
"Kahit magkasundo kayo, kahit compatible kayo at lahat lahat, posibleng hindi pa rin mag-work out kung hindi okay 'yung family ninyo. Kasi siyempre makakasama at makakasama mo so kailangan talaga solid rin kayo lahat."