
Nitong November 30 ay nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi ang dalawang couples na nagbigay kilig sa Sarap, 'Di Ba?
Nagbahagi ng kanilang real life stories sina Rodjun Cruz, Dianne Medina, Mark Herras, at Nicole Donesa. Nagbigay rin ng payo ang soon-to-be husband and wife na sina Rodjun at Dianne sa new couple na sina Mark at Nicole.
Payo ni Rodjun, "Sa relationship namin ang naka-center talaga si God. Siyempre hindi naman tayong lahat ay perfect. May mga pagkakaiba tayo pero nasa inyong dalawa 'yun para paganahin ninyo. Dapat team work talaga."
Dagdag pa niya ang kahalagahan ng communication.
"Kung may simpleng away, huwag n'yo na palakihin, huwag n'yo na i-share sa ibang tao. Ayusin n'yo na kayong dalawa lang. Pagusapan ninyo."
Para kay Dianne naman, mas importante umano na i-cherish ang happy moments nila bilang couple.
"Lahat naman may challenges along the way. Breaking up is not always the solution, lagi mong tatandaan na mas marami 'yung masasayang araw or moments na kayo."
IN PHOTOS: Dianne Medina's Victoria's Secret-themed bridal shower
Sarap 'Di Ba?: Sacrifices of a 'happy nanay' for her siblings' dreams