
Excited na ipinakita ni Gladys Guevarra sa Sarap, 'Di Ba? ang kanyang bagong food business na matatagpuan sa Teachers Village, Quezon City.
Ayon kay Gladys, ang kanyang bagong negosyong Kit-Chay ay inspired kay Chuchay, kilalang character na ginagampanan sa comedy shows.
Kasama ni Gladys sa kanyang negosyo ang kanyang life partner na si Leon Sumagui.
Si Leon umano ang nagsabi na huwag sayangin ang Chuchay character at gawing inspirasyon sa kanilang food business.
Kuwento ni Gladys cute na cute ang kanilang set up dahil para itong play house.
"Sabi ko noong bata ako, hindi ako nagkaroon ng lutu-lutuan. 'Yung konsepto na laru-laruan, miniature rin 'yung restaurant namin, so parang ganon.
Ang pangalan naman umano ay mula sa kanyang ginawang Facebook live. Nagbigay si Gladys ng premyo sa napili niyang pangalan at ito nga ay ang Kit-Chay or Kitchen ni Chuchay.
Panoorin ang kanilang pasilip sa cute na restaurant at alamin ang kanilang menu sa video na ito: