
Para kay Carmina Villarroel, walang trabaho ang madali pero kung masaya mo itong gagawin, gagaan ito para sa iyo.
Ito ang kuwento ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host tungkol sa kanyang mga realization habang naka-community quarantine.
Saad ni Carmina, "Walang madaling trabaho. I'm sure you'll all agree with that saying na walang madaling trabaho. But if you love what you're doing, magiging madali na siya. Magiging masaya na siya."
Nagpapasalamat umano si Carmina sa opportunity na makapag-work from home.
"We're very thankful to GMA because binigyan kami ng opportunity to work from home na magkaroon ng fresh episodes ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition."
Nilinaw ni Carmina na mahirap, pero mas naging appreciative siya dahil sa experience na ito.
"Mahirap, I don't want to say that's a disadvantage. I'm saying kumbaga let's all be honest and frank, it's hard because apat lang kami at mga kasambahay namin ang kumikilos dito. So with this experience, mas naging appreciative kami sa staff namin at sa crew namin. Appreciative na kami, thankful na kami to begin with but mas lalo ngayon."
Para kay Carmina bawat tao, sa programa man o sa komunidad, ay may importanteng role kaya dapat pahalagahan ang bawat isa.
"Ang isang show talaga, hindi 'yan gagana kung wala ang isa't isa. Lahat tayo, kung staff, kung family, kung community, lahat tayo may katuturan. . Lahat tayo may importansya."
Abangan si Carmina at ang buong Legaspi family sa pagsisimula ng fresh episodes ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition. Mapapanood na ito ngayong July 18, 10:45 a.m.