
Nitong July 18 ay muling nagbalik ang Sarap, 'Di Ba? with fresh episodes.
Sa kanilang pagbabalik, ipinakita ng Sarap, 'Di Ba? hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi ang kanilang tahanan at nakasama pa nila si Direk/Tatay Zoren Legaspi.
Sa fresh episode para sa Bahay Edition, ibinahagi nila ang mga rason kung bakit sila thankful bilang pamilya.
Kuwento ni Carmina, thankful siya na buo at healthy ang kanyang pamilya.
"As long as you guys are together, as long as you guys are safe and healthy, sobrang blessing na 'yun sa Diyos."
Si Cassy naman ay ibinahagi na thankful siya sa kanyang mommy na si Carmina. Saad niya, "Mommy, I want to thank you for being there for us and for always taking care of us."
Ibinahagi rin niya kung bakit Ate Mommy ang kanyang tawag kay Carmina.
"Ate Mommy kasi she's my mom and my sister at the same time. Sometimes she's my younger sister. Thank you for being my all-in-one."
Thankful rin si Mavy sa kanyang Mommy Carmina.
Kuwento ni Mavy, "During this pandemic there are a lot of families stuck at their homes, 'di ba? Siyempre when you see your idol or your hero sa bahay na naka-relax, hindi nagpapakita ng stress, it makes you feel at ease kumbaga and that's Mommy."
Ang kanilang Tatay Z sa na si Zoren, nagpapasalamat naman sa kanyang asawa at sa kanyang mga anak.
Grateful umano siya sa naging realization ni Carmina, "Doon niya na-realize na marunong talaga siyang magluto. Dahil kami mismo nasasarapan sa luto niya."
Sa kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy, thankful si Zoren dahil sa hindi umano ito naging pasaway sa kanila.
"Thank you for being nice kids dahil hindi naman kayo sakit sa ulo. You guys are very good kids and I'm very thankful for that."
Panoorin ang first episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition sa video.
Sumali at manalo sa 'Sarap, 'Di Ba?' 5K Giveaway