
May mother and son bonding na napanood sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sa episode nitong November 28, ipinakita ni Pops Fernandez ang simple burger recipe ng kanyang bunsong anak na si Ram Nievera. Ito umano ay ang tinatawag niyang holiday cheeseburger.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Ipinakita ni Ram kung paano niya ginagawa ang isa sa kanyang specialties. Habang busy sa kusina, tinanong ni Pops sa kanyang anak, kailan ba nito na-discover na gusto niya ang pagluluto. Natatawang sagot ni Ram, "When I got really hungry."
Bukod sa mother and son cooking session, ipinakilala rin ni Pops ang kanyang fur babies at home. Ipinakita niya ang kanyang ginagawang pag-aalaga sa mga ito pati na rin ang ilang fun bonding activities nila.
Ibinahagi rin ng celebrity mom ang kanyang mga halamang itinanim nito lamang quarantine period. Inamin ni Pops na tila sumobra na ang kanyang pagkahilig sa mga halaman.
Abangan ang iba pang masasayang episodes ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba?: Quarantine Kris Kringle with the Legaspi family | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Banana Peanut Butter and Strawberry Jam Cookies recipe | Bahay Edition