GMA Logo Sarap Di Ba Bahay Edition
What's on TV

Zoren Legaspi, gustong makatulong sa ibang tao sa kanyang kaarawan

By Maine Aquino
Published February 1, 2021 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap Di Ba Bahay Edition


Ayon sa Kapuso actor at director, ang birthday wish niya ay makapag-abot pa ng tulong sa kapwa.

Nitong January 30, nagkaroon ng masayang birthday celebration si Zoren Legaspi sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Sa episode na ito ay pinaghandaan siya ng kanyang asawa na si Carmina Villarroel at kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi ng isang special birthday treat.

Ayon kay Zoren, wala na siyang mahihiling pa sa kanyang sarili. Hangad niya na lamang makapaghatid pa ng tulong sa mga taong nangangailangan.

“'Yung wish ko… kasi kapag cycling mabagal. Sa cycling nakikita mo talaga 'yung dinadaanan mo, so nakakakita ako ng mga taong malulungkot ka sa sitwasyon nila.

Inamin ni Zoren na minsan ay may nakasalubong siyang lalaki sa daan ay ito ang naging senyales sa kanya na humanap pa ng mga paraan para tumulong sa kapwa.

“Kahapon nag-bike ako, nakita ko 'yung isang mama, sa haba haba ng highway na 'yun, hindi siya naglalakad dahil wala siyang paa.

“May mga moments na 'yun, doon ako nagwi-wish na paano ko siya matutulungan, ganito, ganyan."

Zoren Legaspi

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Saad ni Zoren, nagdadala na siya na kung ano mang puwede niyang maibigay sa mga nangangailangan tuwing siya ay magba-bike.

“Sabi ko lagi na nga akong magdadala ng whatever na puwede kong maibigay, maabot man lang.

Inamin naman ni Carmina, na nakikita niya ang kabaitan ng kanyang asawa dahil sa mga sandaling katulad nito.

“Ang hirap kasi pag nagba-bike ka, hindi ka naman puwede makadala ng isang sako, you can only bring so much. At least doon namin nakikita na you're being selfless kasi instead of you know enjoying the scenery and just minding your business, 'pag may nakikita kang ganoon…You also hope for the best for them. Ano pa bang puwede kong gawin para matulungan itong mga nae-encounter ko on a daily basis everytime you ride. Makikita mo nga how selfless and how loving you are.”

Dahil birthday ni Zoren, nag-wish sina Carmina, Mavy, at Cassy para sa kanilang Tatay Z.

Saad ni Cassy ay palaging masaya sana ang kanyang ama.

“Happy ka na, I guess continuous happiness and blessings na lang.”

Biro naman ni Mavy ay wish niyang mag-grow up na ang kanyang ama. Ayon sa kanila, bunso ang turing nilang pamilya kay Zoren.

"My only wish for you is to grow up. Alam ko 12 years old ka pa lang tatay. Sana maging teen ka na kasi ikaw 'yung pinakabunso sa family natin. 'Yan talaga 'yung wish ko."

Ang asawa ni Zoren na si Carmina ay hiniling na maipagpatuloy pa ni Zoren ang kanyang pagiging direktor at aktor.

“Ang birthday wish ko, katulad ng sabi ni Cassy, kasi nga pakiramdam namin na you have or you're doing everything that you like. Siguro ang isa ko pang [wish] sana mag-continue pa 'yung pagdi-direct mo kasi I know you really love directing.”

Nagpapasalamat rin umano si Carmina na laging may project si Zoren sa GMA Network.

“Of course, given na 'yung pagmamahal mo sa acting and palagi ka naman binibigyan ng GMA so we're all thankful and grateful for that.

“Sana mabigyan ka ulit ng project o pagkakataon na makapagdirect ulit. Ang ibig kong sabihin aside from 'Sarap, 'Di Ba?' Thank you for giving him a chance to direct us pero sana makapag-ulit siya ng mga teleserye or kung ano ano, or movies, 'di ba?”

Hiling pa ni Carmina na palaging gabayan ng diyos ang kanyang asawa.

"'Yun ang wish namin sa'yo. Of course ang forever good health. Na sana palagi kang ingatan ni God everytime you travel or everytime you go out.

Panoorin ang birthday episode ni Zoren sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

RELATED CONTENT:

Sarap, 'Di Ba?: Richard Yap gives an exclusive house tour! | Bahay Edition

Sarap, 'Di Ba?: Legaspi family welcomes 2021 with optimism | Bahay Edition