
May mga pagbabago sa bahay nina Tanya Garcia at Mark Lapid.
Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, ipinakita ng Babawiin ko ang Lahat actress ang mga parte ng kanilang bahay sa Pampanga na kasalukuyan nilang ipinapa-renovate.
Kuwento ni Tanya, "Minor renovation, pero nagpapalit lang ako ng mga colors, ganyan.
"Mamaya ipapakita ko sa inyo ang pagre-renovate namin ng bahay sa Pampanga."
Ipinakilala rin ni Tanya ang kaniyang interior designer at kaibigan na si Con para sa kaniyang home renovation tour.
Ayon kay Tanya, idea niyang magpa-renovate ng kanilang bahay.
"Ako talaga 'yung nakaisip. Kasi 2021, sabi ko, gusto ko ng bago na.
"Gusto ko everything light, everything maaliwalas."
Dugtong pa niya, "Kasi, 'di ba, after the quarantine, after everything that we've been through noong 2020 parang something new and something light. Para mas positive ang 2021."
Ipinaliwanag rin ni Tanya na ang former Governor ng Pampanga na si Mark ay may malaki ring contribution sa kanilang renovation.
Biro ni Tanya bukod sa pagsagot sa expenses, marami siyang input sa mga dapat baguhin sa disenyo ng kanilang bahay.
"Malaki ang contribution niya, meron siyang mga input.
"Siyempre, tinanong ko rin siya na okay lang ba 'yung ganitong color, okay lang ba na ire-arrange ko ito.
"Maganda naman kasi sa kanya ang palagi niyang sinasabi ay kung ano ang gusto ko.
"Siyempre, kung masaya ako, masaya ang buong pamilya."
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Sa mga nais magpa-renovate rin ng bahay tulad ni tanya, may ilang payo siya na mga ibigay.
Saad niya importante na mag-stick sa mga napagdesisyunang pagbabago sa bahay.
"Stick to what you really want."
Para kay Tanya, ang budget ay isang importanteng bagay na dapat pagdesisyunan sa isang renovation.
"Always know kung magkano lang ba talaga ang kaya mong gamitin or ilabas na pera for the renovation.
"Dapat meron kang extra money hindi 'yung 'yun na lang pera mo magre-renovate ka pa."
Ang interior designer na si Con naman ay binigyang-diin ang lifestyle ng mga taong titira sa bahay.
"Importante 'yun na ibabase 'yun sa lifestyle ng family ninyo."
Sa huli, payo ni Tanya ang pagkonsulta sa professionals para masigurong hindi masasayang ang effort at pera sa pagpapa-renovate.
Panoorin ang kabuuang video na ito sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Samantala, tingnan ang ilang pang celebrities na nagpagawa ng bahay habang may quarantine:
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba?: Tanya Garcia shares her 'Pinaupong Manok' recipe | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Legaspi family takes on the 'Talbog Panalo Challenge!' | Bahay Edition