GMA Logo Mark Herras, Nicole Donesa, and Baby Corky
What's on TV

Mark Herras, hanga sa pagiging nanay ni Nicole Donesa

By Maine Aquino
Published March 9, 2021 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras, Nicole Donesa, and Baby Corky


Hindi napigilan ni Mark Herras na purihin ang kanyang fiancée na si Nicole Donesa sa kanyang guesting sa 'Sarap 'Di Ba?' PANOORIN DITO:

Inamin ni Mark Herras na iba ang tapang at naging paghahanda ni Nicole Donesa sa kaniyang pagiging first-time mom.

Isinilang kamakailan ang unang babyng Kapuso couple at magiliw nila itong tinawag na Baby Corky.

“I'm very proud. Kumbaga 'yung pagbubuntis sobrang hirap na experience 'yun para sa mga mommies, pero kasi si Ico (Nicole) medyo naka-set kami na normal [delivery] ka, you're a strong woman, strong mommy ka.”

Pero ayon sa kuwento ni Mark hindi nasunod ito. Nanganak sa pamamagitan ng Caesarian section si Nicole dahil ito ang mas safe na paraan para sa mag-ina.

Mark Herras and Baby Corky
Photo source: herrasmarkangeloofficial (IG)

“At the end of the day, kung ano ang pinaka-safe na gawin namin para masilang si Corky, safe for Corky and safe for Ico, 'yun 'yung pinili namin. Na-CS si Ico."

Ikinuwento din ng Kapuso star na humanga siya kay Nicole dahil sa ginawa nitong paghahanda sa bagong yugto ng kaniyang buhay.

“Napaka-strong na mommy ni Ico. Sobrang lahat inaral niya. Buntis pa lang siya ang dami na niyang binabasa na kung anu-ano sa pagiging mommy.”

Sa feature sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ay ibinahagi ni Mark ang kaniyang mga ginagawa at responsibilidad bilang daddy ni Corky.

Saad ng aktor, “Nagsisimula po 'yung araw ko sa gabi, kasi ako po 'yung graveyard shift…Ako 'yung nagbabantay sa madaling araw.”

Inamin ni Mark na noong una ay takot siyang magpalit ng diapers ni Corky. Noong mga unang linggo ay mommy muna ni Nicole ang nakatoka sa pagpapalit ng diapers ng kaniyang anak.

“Medyo takot pa ako kasi may pusod pa si Corky. Pero parang kailangan kong ma-overcome 'yung takot na 'yun siyempre kailangan ko ma-experience 'yung pagpapalit ng diaper ng anak ko siyempre habang bata. Habang nagda-diaper pa siya; kasi sobrang bilis ng panahon ngayon.”

Base pa sa kuwento ni Mark ay excited na siyang mas maka-bonding pa ang kaniyang anak sa paglaki nito.

“Excited ako kapag buo na 'yung buong structure niya. Kumbaga matibay na, like 'yung leeg niya, hindi pa naman kailangan totally nakakalakad pero alam mo 'yung time na puwede na kami sumayaw na kahit konting galaw galaw.”

Bago pa matapos ang interview kay Mark, may mensahe siya sa mga tatay na kagaya niya, ito ay magkaroon ng mahabang pasensya. Dugtong pa ni Mark, kasama ang pagod at puyat sa pagiging tatay.

“We need to be patient talaga; 'yung pagkakaroon ng mahabang pasensya.”

“'Yung pagod, 'yung puyat, kasama po talaga 'yun sa process. Kasama 'yun sa pagiging ama.


RELATED CONTENT:

Mark Herras to his son Corky: "Mahal na mahal ka namin to infinity and beyond

Nicole Donesa posts twinning baby bump photos with Sophie Albert