
Nitong March 27, ipinakita ng Legaspi family sa second part ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ang activities na ginagawa nila habang nasa Batangas rest house.
Dito ipinasilip nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ang kanilang mga ginagawa para mag-bonding bilang pamilya.
Isa sa mga ito ay ang kanilang food trip kung saan naghahanda sila ng mga favorite dishes ng kanilang pamilya. Napanood din dito ang workout routine na karaniwang ginagawa nina Carmina at Cassy.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Ang mag-ama naman na sina Zoren at Mavy ay naglaro ng old school vs. new school basketball.
Balikan ang kanilang masayang at home bonding activities sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Tingnan naman ang quarantined life ng Legaspi family sa gallery na ito: