GMA Logo Andrea Del Rosario's house tour in Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
What's on TV

Andrea Del Rosario, ipinakita ang kaniyang 5-bedroom house at farm sa Batangas

Published August 2, 2021 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Del Rosario's house tour in Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition


Tingnan ang magandang beach house, antique collection, at farm ni Andrea Del Rosario sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

Beata or the blessed ang ipinangalan ni Andrea Del Rosario sa kaniyang beach house na matatagpuan sa Batangas.

Ipinangalan ito ni Andrea at ng kanilang pamilya sa kaniyang anak na si Beatrice na ipinanganak na may congenital condition na Jejunal Atresia.

Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition nitong July 31, nagbigay ng virtual tour si Andrea sa kaniyang magandang tahanan sa Batangas.

Ipinakita ng aktres ang ilan sa kaniyang mga collection, mga lugar na paborito ng kaniyang ama, at marami pang iba.

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Bukod sa beach house, ipinakita rin ni Andrea ang kanilang farm at pati na rin ang isang masarap na recipe para sa Ginataang Tulingan.

Sa episode na ito, napanood din ang tour ni Mavy Legaspi sa kaniyang kuwarto sa Sorsogon kung saan sila nagti-taping para sa I Left My Heart in Sorsogon.

Napanood din nitong Sabado ang table tennis player ng Mapua University na si Daryl Talento, para magbigay ng ilang basic table tennis tips.


Abangan ang mga susunod pang mga exciting na episodes ng Sarap 'Di Ba, Bahay Edition tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.

RELATED CONTENT:

Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition: Sarapdibalympics and Mavy Legaspi's hotel room tour