
Nitong August 21, nag-celebrate ang happy nanay na si Carmina Villarroel ng kaniyang birthday sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Sa episode na ito ay nagkaroon ng masayang family bonding sina Carmina, Zoren, Mavy, at Cassy Legaspi. Sina Mavy at Cassy ang naging abala sa pagaayos ng makeup at outfit ng kanilang mommy.
Sa isang bahagi ng kaniyang birthday episode ay binigyan si Carmina ng isang challenge ni Richard Yap na magluto ng isang dish.
Napanood din ang rapid-fire questions nina Zoren, Mavy, at Cassy para kay Carmina.
Napanood din ang mga mensahe ng mga kapatid ni Carmina para sa kaniyang birthday.
Abangan ang susunod na episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Balikan ang birthday celebration ni Carmina with the Legaspi famkada sa gallery na ito: