
Ang laging trending sa TikTok na si Gardo Versoza ang ating mapapanood ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba?
Si Gardo ay ang makakakulitan nina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi ngayong November 20. Sasamahan pa siya ng dalawang Kapuso comedians na sina Pekto Nacua at John Feir.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Bukod sa kulitan at challenges, maghahanda si Gardo ng isang masarap na Chicken Popcorn in Sweet Chili Sauce dish.
Tutukan ang masayang kwentuhan na ito dahil may chance na manalo ang happy peeps ng PhP 5000 sa 5k Giveaway Promo. Manood lamang ng Sarap, 'Di Ba? ngayong November 20, 10:00 a.m. sa GMA Network.