
Nakatutuwang Saturday morning bonding ang napanood sa Sarap Di Ba? dahil naka-bonding nina Carmina Villarroel-Legaspi at Mavy Legaspi si Bea Alonzo.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Sa episode na ito nakasama nila ang comedians na sina Petite at Pepita Curtis. Sila ay humarap sa games at challenges para makilala kung sino ang soul sister ni Bea. Sumali rin sa exciting na game sina Bea at Carmina.
Bukod sa nakakatuwang kulitan at kuwentuhan, napanood din sa episode na ito ang pagturo ni Bea ng isa sa kaniyang favorite Pinoy dish na Binagoongan.
Abangan ang susunod pang mga episodes ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.