
Pagalingan sa kantahan at diskarte sa challenges ang napanood nitong April 2 sa Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabadong ito ay nakasama nina Carmina Villarroel-Legaspi at Mavy Legaspi sina Jessica Villarubin, Thea Astley, Neurie, at Janel Alonzo sa isang morning biritan. Hindi lang ito basta-basta kantahan dahil sinamahan nila ito exercise routine.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Bukod sa challenges, may inihanda ring masarap na recipe ang Sarap, 'Di Ba? Last Saturday, naghanda sina Carmina at Mavy ng Vegetable Style Adobo Spring Roll.
Panoorin muli ang Sarap, 'Di Ba? ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.