
Isang bonding time ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? nitong June 11.
Last Saturday, sinamahan ni Pekto si Carmina Villarroel bilang host ng Sarap, 'Di Ba?
Nakasama rin nila sa araw na ito sina Kapuso singers Rita Daniela, Jessica Villarubin, Muriel Lomadilla and Lyra Micolob.
Ang Team Kabogera na sina Rita at Jessica, at ang Team Palaban na sina Muriel at Lyra ay nagtapat sa masayang Birit Shake Challenge at musical guessing version of Showerade.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Para sa food trip nitong Sabado, nagluto si Pekto ng masarap na Salted Egg Shrimp Balls mula sa Sarap, 'Di Ba? kitchen.
Patuloy na tutukan ang masasayang Saturday morning bonding na hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado 10:00 a.m.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.