
Sa unang sabak ng “PakidSTARan” segment ng Sarap, 'Di Ba? ay namangha na agad ang lahat sa galing ng mga bibong bagets na sumali rito.
This week, napanood ang first batch of “PakidSTARan” contenders na sina Carl Javier, Archie Aguirre, at Clyde Basbas. Sila ay nagpagalingan sa Sarap, 'Di Ba? stage para ma-impress ang judges na sina Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, at Boobay.
Pati ang mga hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ay namangha sa galing ng mga bibong bagets na napanood sa Sarap, 'Di Ba?
Sa huli, ang napiling winner for this week's “PakidSTARan” ay si Clyde sa kanyang galing sa Poi Dance.
Samantala, sa mga nais sumali sa “PakidSTARan,” i-send lang ang kanilang audition videos sa Sarap, 'Di Ba? Facebook inbox kasama ang kanilang name, age, address and contact number.