What's on TV

Camille Prats, naging Miss Minchin sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published March 21, 2023 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats, Mavy Legaspi, Petite


Ang kilalang Princess Sarah na si Camille Prats, naging Miss Minchin?

Nasubukan ni Camille Prats na maging Miss Minchin sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba?

Noong Sabado (March 18), bumisita si Camille Prats sa Sarap, 'Di Ba? kasama sina Althea Ablan at comedian na si Petite.

Sarap Di Ba

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Sa episode na ito ay napasabak sila sa aktingan sa "Dear 'Teh Mina" kung saan gumanap si Camille na Miss Minchin. Kasali rin sa aktingan sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi.

Napanood din sa Sarap, 'Di Ba? ang inihandang palaro ni Carmina Villarroel na "Tagalog Only Please."

Isang masarap na dish pa na easy to prepare ang inihanda ni Carmina noong Sabado. Ito ay ang Pinoy dish na Ginataang Sigarilyas.

Patuloy lamang na sumubaybay sa masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood rin ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.