
Napilitang umamin sina Rhian Ramos at Andrea Torres nitong Sabado (May 27) sa Sarap Diva. Ito ay dahil walang nakakaligtas pagdating sa mga "very, very light questions" ni Regine Velasquez-Alcasid.
Sa unang level ng game na "Walang Echos" ay unang napaamin sina Rhian at Andrea kung sino ang pinakamaganda, pinakapangit, at pinakamagaling umarte sa Philippine showbiz.
Nang napunta na sa usaping puso ay nalagay sa hot seat sina Rhian at Andrea. Hindi nakasagot si Andrea kung sino ang unang nanligaw sa kanya sa showbiz. Si Rhian naman ay hindi nasagot kung sino ang hate niya sa kanyang mga naging ex-boyfriend.
Bukod dito ay ibinuking nina Rhian at Andrea kung sino ang mga naging flirty sa kanila. Panoorin ang kanilang revelation: