LOOK: Sherilyn Reyes and kids, ikukuwento ang buhay pamilya sa 'Sarap Diva'
Published February 01, 2018, 11:41 AM
Updated February 01, 2018, 11:50 AM
Ngayong February 3, kuwentong pamilya ni Sherilyn Tan ang mapapanood sa Sarap Diva.
Ibabahagi nila ang kanilang family bonding activities at ang kuwento ng kanyang mga anak na sina Lorenz at Eia. Makakasama rin nila ang stepdaughter ni Regine na si Leila Alcasid.
May baon ding regalo si Leila para kay Regine. "Super happy si Asia's Songbird & Cooking Diva Regine Velasquez-Alcasid sa ibinigay ni Ate Leila Alcasid! Alamin kung ano ito sa Sabado mga Kapitbahay," saad sa official Instagram account ng Sarap Diva.
Abangan ito ngayong Sabado, 10:30 a.m. sa Sarap Diva.