
Sa episode ng Sarap Diva last Saturday, February 3, marami ang na-touch sa mensahe ni Leila Alcasid para sa kanyang step mom na si Regine Velasquez-Alcasid.
"I just want to say thank you for the past year and you've been a wonderful mama to me, helping me adjust and making me feel comfortable. I can't imagine life without you anymore," ani ni Leila, na anak ni Ogie Alcasid sa kanyang unang asawa na si Michelle Van Eimeren.
Umamin naman ang Sarap Diva host na na-touch sya ng sobra sa tinuran ng kanyang stepdaughter. "Thank you, sweetheart. Having you at home now, Ako din. I cannot imagine our house now without you."
Pati ang guest ni Regine na si Sherilyn Reyes, naluha rin sa mensahe ni Leila para kay Regine. "Ako ang naiyak dun."
Paliwanag pa ng Asia's Songbird, "I can't sleep when she's not home. Makulit nga ako, tinetext ko sya 'san ka?'"
Matatandaan na last year lang lumipat mula Australia si Leila para manatili rito sa bansa, Naging madali naman ang bonding nina Regine at Leila. Close rin si Leila sa anak ni Ogie kay Regine na si Nate.
WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, masaya sa pagmamahal ni Leila Alcasid sa kapatid na si Nate
Panoorin ang nakakatouch na moment nina Leila at Regine: