LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, may birthday celebration kasama ang ilang miyembro 'Batibot'
Isang throwback ang magaganap sa second part ng birthday special ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva.
Ngayong darating na April 28, makakasama ni Regine ang ilang mga characters ng sikat na Pinoy educational TV show na Batibot. Bibisita sa kanya sina Kuya Bodjie, Ning-Ning at Ging-Ging para makisali sa kanyang birthday celebration.
Sa episode na ito ay ipapakita rin ang storybook na base sa buhay ng ating nag-iisang Asia's Songbird. Ito ang inihandang regalo ng Sarap Diva family para sa kaarawan ni Regine.
"Ano nga ba ang maaari pang maibigay sa nag-iisang Asia's Songbird & Cooking Diva Regine Velasquez-Alcasid? Naisipan ng SD Family na ilapat ang kanyang inspiring talambuhay sa isang hand-made children's book. Ito ang kanyang reaksyon nang makita ang kuwento ng batang si Chona! Kaya 'wag a-absent sa Sabado, Kapitbahay!"
IN PHOTOS: Buhay ni Regine Velasquez-Alcasid, ibinahagi sa storybook na 'Ang Batang si Chona'
Makisaya sa second part ng birthday special ni Regine sa Sarap Diva ngayong Sabado, 10:30 a.m.