GMA Logo Charlize Ruth Reyes
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Content creator Charuth, mapapanood sa PH version ng 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published October 6, 2023 5:17 PM PHT
Updated August 29, 2024 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte decries plunder, graft raps filing as 'fishing expedition', cover-up for corruption
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Charlize Ruth Reyes


Ang social media star na si Charuth ay bahagi ng upcoming Philippine adaptation ng hit K-drama series na 'Shining Inheritance.'

Kabilang sa cast ng upcoming Philippine version ng sikat na Korean drama series na Shining Inheritance ang social media star na si Charuth.

Related content: Cast ng PH adaptation ng 'Shining Inheritance,' nagkita-kita na sa story conference

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Charuth sa naganap na look test ng serye kamakailan, ibinahagi niya na nakaramdam siya ng halo-halong emosyon nang malamang parte siya ng cast ng Shining Inheritance.

“Mixed emotions. Super saya na, at the same time, parang kinabahan ako kasi first serye ko 'to if ever tapos dito pa sa GMA,” pagbabahagi niya.

Ikinuwento rin ng content creator ang kaniyang paghahanda para sa upcoming series.

Aniya, “Nag-a-ask ako sa mga friends ko sa prod[uction] if paano 'yung nangyayari, lalo na 'yung mga writers na malalapit sa akin. Nagpapatulong talaga ako kung ano 'yung mga puwede nilang i-advice sa akin kasi first serye ko nga ito.”

Bukod dito, "mas maingay" na version daw ni Charuth ang mapapanood sa serye kumpara sa nakikita sa kaniya online bilang content creator.

“Mas maingay na kasi nung sa online, hindi ako masyado nagsasalita doon so ngayon, maririnig na nila 'yung boses ko kasi more on acting lang 'to,” saad niya.

Makakasama rin sa Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, at Seth Dela Cruz.

Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.