GMA Logo Kyline Alcantara
PHOTO COURTESY: itskylinealcantara (Instagram)
What's on TV

Kyline Alcantara, pinapangarap na kaiinisan ng viewers ang role sa 'Shining Inheritance'

By Dianne Mariano
Published June 6, 2024 4:28 PM PHT
Updated August 29, 2024 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Mapapanood ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na 'Shining Inheritance.'

Isa sa mga kaabang-abang na serye sa GMA ay ang upcoming Philippine adaptation ng well-loved Korean drama series na Shining Inheritance.

Related gallery: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference

Kabilang sa stellar cast ng naturang serye ay ang Sparkle star na si Kyline Alcantara.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ng aktres na excited na siyang mapanood ng lahat ang kanyang pagbibidahang serye, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay papangarapin niyang mainis sa kanya ang manonood.

“Nakaka-excite po na mapanood ng ating mga Kapuso ang Shining Inheritance dahil napakaganda po. Napakaganda ng cast, napakaganda ng istorya, napakaganda ng aming produkto at first time kong papangarapin na sana mainis kayo sa akin,” aniya.

Kamakailan lamang ay nagtungo si Kyline sa South Korea upang gampanan ang kanyang role bilang honorary ambassador ng Korea Tourism Organization (KTO).

Bukod dito, sa isang panayam, inamin ng Kapuso star na nakaramdam siya ng kaba na muling gumanap bilang isang kontrabida, na huli niyang ginawa sa seryeng Kambal, Karibal.

“Natatakot po ako sa ibang bagay naman. Natatakot ako bilang maging kontrabida ulit kasi kung dati po comfort zone ko siya, ngayon hindi na po. So kinakabahan po ako,” saad niya.

Abangan ang Shining Inheritance, soon sa GMA.