
Kaabang-abang ang mga tagpo sa finale ng GMA Afternoon Prime series na Shining Inheritance, na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara at Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, at Ms. Coney Reyes.
Sa teaser na inilabas para sa 90th episode ng naturang serye, mapapanood ang pag-uusap nina Charlie (Wendell Ramos) at ng anak niyang si Francis (Paul Salas), kung saan sinabi ng huli na kakalimutan na niya na tatay niya ang una.
Makikita rin ang pagtulong ni Euan (Michael Sager) kay Inna (Kate Valdez) sa nangyaring pagsabog sa De La Costa Food Corp. Ipinasilip din na magkasama sina Aurea (Coney Reyes) at Charlie pero tinatawag ng una ang huli sa pangalan ng kanyang yumaong anak na si Rodante.
Samantala, makikita sa mga larawang ito ang tila intense na pag-iinternalize ni Wendell sa kanyang sa finale episode.
Huwag palampasin ang finale ng Shining Inheritance mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG SHINING INHERITANCE SA GALLERY NA ITO.