
Sa nakaraang episode ng Signal, tumakas si Harry Kim mula kina Nathan Park (Lee Je-hoon) at Mia Cha (Kim Hye-soo) sa parking lot ngunit siya ay naaksidente matapos masagasaan ng isang kotse.
Hinabol naman ni Mia ang taong nasa loob ng kotse ngunit tinutukan siya ng baril nito. Nabaril naman ng 'di kilalang suspek si Nathan matapos nitong isalba ang buhay ni Mia mula sa peligro.
Habang nasa nakaraan, may nahanap na ebidensya si Robert Lee (Cho Jin-woong) laban kay Hector (Jang Hyun-sung) sa kasong pagpatay.
Sa pag-uusap nina Nathan at Mia, sinabi ng criminal profiler na nag-iba ang unang transmission niya kay Robert kaya may posibilidad din na mayroong nagbago sa mga pangyayari sa nakaraan.
Dinala naman si Nathan sa isang ospital upang mailigtas siya ngunit binawian ito ng buhay. Matapos ang lahat ng pangyayari, nagising si Nathan mula sa isang panaginip at nasa loob siya ng kanyang bahay.
Gawa-gawa lamang ba ang lahat sa isip ng criminal profiler? Abangan ang finale ng Signal sa Sabado, 12 noon, sa GTV.
Balikan ang mga eksena sa Signal dito.
Signal: It's the end for Nathan! | Episode 21
Signal: Was it all a fever dream? | Episode 21
Patuloy na subaybayan ang Signal at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.