What's on TV

Mikee Quintos, thankful dahil sa sunod-sunod na proyekto sa GMA

By Jansen Ramos
Published January 15, 2018 3:41 PM PHT
Updated January 15, 2018 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Malapit niyo nang mapanood muli ang Kapuso actress sa 'Sirkus'  

Malaki ang pasasalamat ni Mikee Quintos dahil tuloy-tuloy ang kanyang proyekto sa Kapuso Network.

Matapos ang Encantadia nabibiyaan muli siya ng panibagong show, ang Sirkus.

GMA Network takes viewers on a magical journey in Sirkus

Sa press conference nito, sinabi niyang malaki ang naging papel ng Artist Center sa career niya bilang artista dahil sa mga oportunidad na ibinibigay nito. Ipinagmalaki pa niya na fair ito pagdating sa pagbibigay ng proyekto.

Saad niya, “Ang magandang na-feel ko sa GMA is walang crab mentality na mang-bababa sila ng iba para lang [maka-angat] sila, so mas nakakagana din magtrabaho dito kasi ma-fefeel mo ‘yung pagka-family. Sa Artist center, na-fefeel namin ‘yung pag-aalaga nila, walang favoritism. Alam namin sa isa’t-isa na we give our best sa bawat auditions, sa lahat ng pinapagawa sa’min.”

Naniniwala rin si Mikee na kaya sa kanya ibinigay ang proyektong ito dahil na rin ipinagdasal niya ito sa Panginoon.

“I always pray kasi na hindi ibibigay ni Lord kung hindi ko kayang mag-deliver, so if He thinks up there na kaya ko, e baka nga kayanin ko.”

Bukod pa rito, si Mikee rin ang magiging boses ng asong si ‘Siri’ sa upcoming primetime series na ‘Sherlock, Jr.’