What's on TV

Ang mundo ng 'Sirkus' Salamanca

Published June 18, 2021 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada continues to pose rain, wind threats over Luzon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

sirkus


Tunghayan muli ang pagtuklas nina Miko at Mia sa makulay at misteryosong mundo ng salamanca sa unang episode ng 'Sirkus.'

Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang telefantasya na Sirkus.

Sa June 13 episode ng Sirkus rerun, nagsimula na ang magical adventure ng kambal na sina Miko (Mikoy Morales) at Mia (Mikee Quintos).

Kasama ang kanilang mga magulang, namangha ang kambal nang mapanood ang misteryosang babaeng apoy, kwelang sirkero at dakilang manghuhula sa isang sirkus.

Habang aliw na aliw sina Miko at Mia sa mahika, dumating ang kinikilalang pinakamabagsik na salamangkero, si La Ora (Cherie Gil).

Naghasik ng lagim si La Ora na nagdulot ng gulo sa sirkus.

Dahil dito, nahiwalay sina Miko at Mia sa kanilang mga magulang. Hindi naman sila pinabayaan ng grupo ng mga salamangkero at prinoteksyunan sa pangunguna ng lider ng 'Sirkus Salamanca' na si Leviticus (Gardo Versoza).

Patuloy na subaybayan ang pagtuklas nina Miko at Mia sa makulay at misteryosong mundo ng salamanca sa Sirkus. Mapapanood ito tuwing Linggo pagkatapos ng Biyahe Ni Drew sa GMA.

Sa mga nais balikan ang full episodes ng Sirkus, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang GMA fantasy series.