
Kabilang ang mahusay na aktres na si Matet de Leon sa pinakabagong murder mystery series na SLAY, kung saan makikilala siya bilang Leona, ina ni Liv, na pagbibidahan naman ng Kapuso actress na si Julie Anne San Jose.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Matet ang unang reaksyon nang mabasa ang script ng SLAY, na aniya ay bago ang kuwento para sa kanya.
"It's very intriguing and it's very new," sabi ni Matet. "Murder mystery kasi hindi s'ya usual na ginagawa sa TV. So, this is something new, fresh din s'ya para sa lahat.
"Noong nabasa ko 'yung script n'ya very suspenseful and parang show sa ibang bansa. Napakaganda na ma-experience ng mga Kapuso natin itong show na ito."
Dagdag pa ni Matet, bago rin para sa kanya ang role na gagampanan sa SLAY kung saan isa siyang free-spirited painter.
"I love playing my character kasi 'yung character ko hindi ko pa siya nagagawa before. I'm free spirit, painter. Hindi ako magaling mag-paint so yung role ko rito medyo challenging siya. I have to do painting.
"And, also mommy ako ni Julie Anne. First time ko siyang maka-work and also medyo malapit ang edad namin ni Julie, so dito nalalaro ko kung paano ko siya gagawin to be a mom sa edad ni Julie," dagdag niya.
Bukod kay Julie, makakasama rin ni Matet sa SLAY ang iba pang lead stars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.
Ilan pa sa mga bituin na bubuo sa serye ay sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, at Gil Cuerva.
Abangan si Matet de Leon sa SLAY simula March 24, 9:25 p.m. sa GMA.
Panoorin ang teaser ng GMA Network para sa SLAY rito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG SLAY SA GALLERY NA ITO: