
Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang kakulitan ng SLAY actors na sina Derrick Monasterio, Royce Cabrera, Jay Ortega, at Nikki Co sa kanilang pagkasa sa "Anxiety" dance trend.
Sa TikTok video, tuwang-tuwa na sinayaw ni Derrick ang dance trend, na sinundan naman nina Royce, Jay, at Nikki. Game na game na nakipagsabayan ang tatlo sa bigay todong pagsayaw ni Direk.
@gmanetwork Ang kukulit! 😭 Anxiety dance trend muna with the #SLAY boys pero make it funny! 😂 Abangan sina #DerrickMonasterio #JayOrtega #RoyceCabrera and #NikkiCo sa #GMAxViuSLAY premiere mamayang 9:25 p.m. na sa GMA Prime! #fyp #funny #gmanetwork #kapuso
♬ original sound - GMA Network
"Kulit ng tropa ko talaga oh haha," komento ng isang netizen.
"Popogi naman ng SLAY boys," sabi ng isang TikTok user.
Abangan sina Derrick, Royce, Jay, at Nikki sa SLAY, Lunes hanggang Huwebes, 9:25 p.m. sa GMA Prime. Maaari rin itong i-stream sa YouTube via Kapuso Stream.
Kasama rin nila sa murder mystery series ang lead actresses na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: