
Muling haharap sa matinding alegasyon si Sugar (Mikee Quintos) matapos siyang pagsuspetsahan nina Inspector Juro (Royce Cabrera) at Kirby (Nikki Co) na isang arsonist!
Sa inilabas na teaser ng SLAY, mayroon sumunog sa bike ni Kirby, at si Sugar ang mapagbibintangan.
Lumitaw rin ang umano'y dating kaibigan ni Sugar na si Jenny, kung saan pinapalayo nito sina Amelie (Gabbi) kay Sugar dahil aniya hindi ito mabuting kaibigan.
Sinabi rin ni Jenny kay Inspector Juro na gawain na ni Sugar ang manunog kapag galit ito sa isang tao.
Totoo kayang isang arsonist si Sugar? O inosente siya sa mga alegasyon sa kanya?
Abangan 'yan ngayong Huwebes (April 10) sa SLAY, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: