GMA Logo SLAY Julie Anne San Jose
What's on TV

SLAY: Liv, bagong person of interest sa pagkamatay ni Zach!

By Aimee Anoc
Published April 21, 2025 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Israel bans mobile phones in primary schools
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY Julie Anne San Jose


Mapapasakamay ng mga imbestigador ang video ng pagtatalo nina Liv at Zach. May kinalaman nga ba si Liv sa pagkamatay ni Zach?

Sasalang sa interogasyon si Liv (Julie Anne San Jose) matapos na makarating sa mga imbestigador ang video ng matinding pagtatalo nila noon ni Zach (Derrick Monasterio).

Sa video, maririnig na sinabihan ni Liv si Zach na "Die Zach is coming next."

Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Lunes (April 21), makikita si Liv sa interrogation room at tinanong niya si Juro (Royce Cabrera) kung sino ang nagbigay sa kanila ng video.

Matatandaang pinabura na ni Liv kay Cindy (Gazini Ganados) ang video matapos ang kanilang komprontasyon.

Sino kaya ang gustong sumira kay Liv?

Abangan 'yan sa SLAY ngayong Lunes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: