
Malalaman na ni Marga (Phoemela Baranda) ang mga pagkakautang ni Yana (Ysabel Ortega)!
Sa teaser na inilabas ng SLAY ngayong Huwebes, May 8), mapupuno na si Marga sa mga sikretong itinatago ni Yana. Kaya naman mapapalayas niya ito sa kanyang bahay.
Maririnig din ang pagkuwestiyon ni Marga kay Yana kung siya ba ang killer ni Zach (Derrick Monasterio).
Sa kagipitan, sino kaya ang malalapitan ni Yana? Matulungan kaya siya ng mga kaiabigang sina Liv (Julie Anne San Jose) at Sugar (Mikee Quintos)?
Abangan 'yan sa SLAY ngayong Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: