GMA Logo SLAY stars Ysable Ortega and Chuckie Dreyfus
What's on TV

SLAY: Yana, suspek sa murder; magmamakaawa para sa inarestong ama

By Aimee Anoc
Published May 13, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY stars Ysable Ortega and Chuckie Dreyfus


Sasalang sa interogasyon si Yana (Ysabel Ortega) bilang bagong suspek sa pagkamatay ni Zach Zamora (Derrick Monasterio).

Sunod-sunod ang kamalasang haharapin ni Yana (Ysabel Ortega)!

Matapos na mapalayas sa bahay ni Marga (Phoemela Baranda) dahil sa pagkakautang, sunod na haharapin ni Yana ang paghihirap nilang mag-ama.

Sa teaser na inilabas ng SLAY, malalaman na ni Yana na wala sa Dubai ang amang si Charlie (Chuckie Dreyfus) at makikita niya ito sa isang construction site. Masasaksihan din niya ang pag-aresto ng awtoridad sa kanyang ama.

Bukod dito, sasalang sa interogasyon si Yana bilang bagong suspek sa pagkamatay ni Zach (Derrick Monasterio). Matatandaan na nalaman na ni Inspector Juro (Royce Cabrera) ang pagkakautang nito kay Zach.

Abangan 'yan sa SLAY ngayong Martes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG 'SLAY' SA GALLERY NA ITO: