GMA Logo SLAY finale
What's on TV

SLAY: Si Liv nga ba ang killer ni Zach?

By Aimee Anoc
Published June 13, 2025 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 26, 2025
Farm To Table: Enjoy the vibe!
Christmas not the same for all, calamity survivors show

Article Inside Page


Showbiz News

SLAY finale


Kung inaakala mong alam mo na kung sino ang killer, humanda sa unexpected finale ngayong gabi ng 'SLAY' sa GMA Prime!

Humanda na para sa isang unexpected finale ngayong gabi ng murder mystery series na SLAY.

Pinili ni Hector (James Blanco) na siya ang makulong at saluhin ang nagawang pagkakasala ng anak na si Liv (Julie Anne San Jose), na nakita niyang naglagay ng eye drop sa inumin ni Zach (Derrick Monasterio) bago ito mamatay.

Ang kuwestiyon ngayon nina Inspector Juro (Royce Cabrera) at Kirby (Nikki Co), maraming amount ng tetrahydrozoline ang natagpuan sa katawan ni Zach at sa kanyang inumin pero nasa 15ml lang naman ang laman ng isang eye drop.

Si Liv nga ba ang tunay na killer ni Zach?

Kung inaakala mong alam mo na kung sino ang killer, huwag palampasin ang unexpected finale ng SLAY ngayong Biyernes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.