Cast ng murder mystery series na 'SLAY,' kilalanin!

Nagsimula na ang imbestigasyon sa pagkasunog at pagkamatay ng fitness influencer na si Zach sa murder mystery series na SLAY sa GMA Prime.
Pinagbibidahan ang SLAY nina Gabbi Garcia bilang Amelie, Mikee Quintos bilang Sugar, Ysabel Ortega bilang Yana, at Julie Anne San Jose bilang Liv, kasama ang Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio bilang Zach at Royce Cabrera bilang Juro.
Ilan pa sa mga bituin na kabilang sa serye ay sina James Blanco, Tina Paner, Bernard Palanca, Phoemela Baranda, Chuckie Dreyfus, Simon Ibarra, Jay Ortega, Gil Cuerva, at Nikki Co.
Ang SLAY ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa GMA at Viu Original, kung saan magkaiba rin ang viewing experience sa TV at streaming platform.
Kilalanin ang mga karakter na bumubuo sa SLAY sa gallery na ito:












