GMA Logo Dingdong Dantes and Rhian Ramos in Stairway To Heaven
What's on TV

Rhian Ramos at Dingdong Dantes, nag-a la bride at groom sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published July 2, 2020 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA thinking anti-tanking, considers setting lottery order March 1 — report
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Rhian Ramos in Stairway To Heaven


Bitter sina Eunice at Charlie matapos mapanood sina Jenna at Cholo bilang bride at groom sa isang fashion show.

Sa epsiode 33 ng Stairway To Heaven, walang nagawa sina Jenna (Rhian Ramos) at Cholo (Dingdong Dantes) kung 'di mag-a la bride at groom sa isang fashion show matapos hindi sumipot ang mga modelo.

Bakas sa mukha nina Eunice (Glaiza De Castro) at Charlie (TJ Trinidad) ang selos ngunit minarapat nilang huwag mag-eskandalo dahil sa kanilang paniniwala ay trabaho lamang ito.

Matapos ang fashion show, sinisi ni Eunice ang kanyang kapatid kung bakit pinahintulutan niya na mangyari iyon.

Samantala, sinabi ni Maita (Jean Garcia) kay Zoila (Sandy Andolong) na hindi niya nagustuhan ang wedding gown designs ni Jenna, para mapaalis ang dalaga sa trabaho at malayo kay Cholo.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.


Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.