What's on TV

Pagganti ni Jodi kay Eunice sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published August 13, 2020 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider shot dead in Taguig ambush; 2 friends nabbed
5 cops relieved over robbery probe in Porac
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro with Dingdong Dantes and Rhian Ramos in Stairway To Heaven


Nakatanggap ng sampal at sabunot si Eunice mula kay Jodi nang malaman nito ang lahat ng kasamaan ng una.

Sa episode 63 ng Stairway To Heaven, sinorpresa ni Cholo (Dingdong Dantes) ng panibagong wedding proposal si Jodi (Rhian Ramos) sa harap ng mga empleyado ng Global Land.

Ang masaya sanang pagtitipon ay nauwi sa gulo nang umeksena si Eunice (Glaiza De Castro) sa engangement party at punahin ang pagiging bulag ni Jodi.

Ipinagtanggol naman ni Tristan (TJ Trinidad) si Jodi mula kay Eunice at saka ibinunyag sa publiko ang pangsasagasa nito kay Jodi na naging sanhi ng pagkakaroon ng amnesia ng huli noon.

Hindi nakapagtimpi, at sinampal at sinabunutan ni Jodi ang kanyang stepsister para makaganti siya sa lahat ng ginawa nito.

Rhian Ramos as Jodi in Stairway To Heaven

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Huling linggo na ng hit 2009 drama series kaya subaybayan ito hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Nakatakdang bumalik sa telebisyon ang Prima Donnas sa Lunes, August 17.