GMA Logo Stars on the Floor
What's on TV

Stars on the Floor: Ang pinakamalaking dance competition ng taon, Magsisimula na sa GMA!

Published June 27, 2025 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor


Magsisimula na sa Hunyo 28 ang Stars on the Floor, na siguradong magbibigay ng kakaibang dance experience sa Philippine TV.

Inihahandog ng GMA Network ang Stars on the Floor--ang pinakabago at pinakamalaking dance reality competition sa telebisyon na mapapanood na simula Hunyo 28.

Pinangungunahan ito ng Asia's Multimedia Star at Box-Office King na si Alden Richards, na siyang host ng show. Sa Stars on the Floor, magsasama-sama ang ilan sa mga pinakamahuhusay na celebrity performers at ang mga sikat at patok na digital dance stars sa iisang entablado. Hindi lang ito basta kompetisyon, ito ay isang selebrasyon ng talento at kakaibang mga collab na tiyak na magpapasaya sa lahat.

[L-R] Coach Jay Joseph Roncesvalles, Marian Rivera, Alden Richards, and Pokwang

[L-R] VXON Patrick, Thea Astley, Faith da Silva, Rodjun Cruz, and Glaiza De Castro

Makakasama rito ang limang celebrity dance stars na kilala na sa kanilang galing sa pagpe-perform. Si Glaiza De Castro, isang batikang aktres na may galing sa musical variety shows, ay magdadala ng passion at elegance sa dance floor. Si Rodjun Cruz, isang aktor at dancer, ay laging umaapaw sa energy at confidence. Si Faith da Silva, na mapapanood sa TiktoClock at Sang'gre, ay magdadala ng sarili niyang galing at energy sa dancefloor. Si Thea Astley, isang powerhouse vocalist mula sa All Out Sundays at kilalang personalidad sa musical theater, ay maghahatid ng matinding performance at stage presence sa entablado. At si VXON Patrick, na kamakailan ay kinilalang Male Dancer of the Year sa P-Pop Awards, ay patutunayan na ang idol training ay kayang-kaya ring mangibabaw sa TV.

[L-R] Zeus Collins, Zeus Collins, Kakai Almeda, Joshua Decena, and JM Yrreverre

Sasamahan sila ng lima sa pinakasikat at pinaka-tinatangkilik na dance content creators sa Pilipinas at sa ibang bansa. Si Zeus Collins, isang social media star, ay kilala sa kanyang karisma at hatak sa masa. Si Dasuri Choi, isang Korean dancer na based sa Pilipinas at may higit 15 milyong followers sa TikTok, ay dala ang K-pop precision at polish. Si Kakai Almeda, isa sa viral treadmill dancing twins, ay maaasahang magbibigay ng saya. Si JM Yrreverre, na sumikat sa Lagabog Dance, ay isang dancer na lumalaban sa international competitions at ngayon ay mapapanood na sa TV. Si Joshua Decena, na nakilala sa social media dahil sa kanyang dance covers at dance classes, ay magdadala ng astig at dynamic na galaw sa grupo.

Stars on the Floor - Coreographers

Linggo-linggo, magsasama ang mga celebrity at digital dance stars para harapin ang mga dance challenge na may kakaibang tema tulad ng “Dance Style X Movie Genre,” “Dance Style X Props,” o “Dance Style X Sports.” Walang natatanggal, pero mahigpit ang laban dahil kailangan nilang makakuha ng mataas na puntos para umangat sa leaderboard at manalo ng premyo para sa napili nilang charity.

Ang kumpetisyon ay gagabayan ng isang powerhouse panel na tinatawag na “The Dance Authority.” Pangungunahan ito ni Marian Rivera, ang Kapuso Primetime Queen, na naghahanap ng emosyon at lalim sa bawat performance. Kasama rito si Pokwang na nagsimula bilang professional dancer at choreographer bago sumikat bilang komedyante. At si Coach Jay Joseph Roncesvalles, ang master choreographer sa likod ng SB19 hits, na titimbang sa technique, creativity, at galing ng bawat duo.

Bawat performance ay binubuo sa tulong ng mga magagaling na dance coaches, sa pangunguna ni MJ Arda, ang kilalang head choreographer at co-founder ng A-Team dance crew. Mula hip-hop at ballroom hanggang Latin at jazz, asahan ang makulay at energetic na performances bawat linggo, na mas pinasaya pa ng teamwork ng mga dancer at choreographer nila.

Ang Stars on the Floor ay hindi lang palabas sa primetime--isa rin itong digital movement. Mapapanood ito sa TV at online, kung saan may exclusive behind-the-scenes content, rehearsal videos, at iba pang digital na pasabog. Kasama sina Sparkle artists Lexi Gonzales at Shan Vesagas, bibigyan nito ang fans ng front-row view sa bawat sayaw, galaw, at kwento sa likod ng entablado.

Magsisimula na sa Hunyo 28 ang Stars on the Floor, na siguradong magbibigay ng kakaibang dance experience sa Philippine TV. Ihanda na ang sarili sa pagsayaw, pagsigaw, at pagsuporta sa mga paborito mong stars tuwing Sabado, 7:15 PM, sa GMA Network.

Para sa latest Kapuso updates, panoorin ang GMA at GTV, bisitahin ang www.GMANetwork.com, o sundan ang official GMA social media accounts.