GMA Logo Stars on the Floor
What's on TV

Dance number nina Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay, Alden Richards at 'Stars on the Floor' dance stars, pinusuan ng netizens

By Karen Juliane Crucillo
Published June 23, 2025 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor


Alamin dito ang reaksyon ng netizens sa dance number nina Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay, Alden Richards, at ng 'Stars on the Floor' dance stars sa 'All-Out Sundays.'

Nagliyab ang dance floor sa All-Out Sundays nang magpakitang-gilas ang Stars on the Floor squad ng kanilang dance moves na kanilang patikim bago sumabak sa hatawan sa upcoming dance competition.

Sumayaw ang dance authority panel, hosts, at celebrity at digital dance stars ng naturang show ng "Daleng Dale" nitong Linggo, June 22, sa isang all-out performance na kinagiliwan ng viewers.

Unang nagpakita ng kanilang dance moves ang dance authority na sina Kapuso Primetime Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay kasama ang host na si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards.

Pagkatapos ng isang energetic dance number nina Marian, Pokwang, Coach Jay, at Alden, nakisaya naman ang celebrity at digital dance stars sa isang masayang flash mob ng "Daleng Dale."

Narito ang reaksyon ng netizens sa energetic dance performance ng Stars on the Floor squad:

Kabilang sa celebrity dance stars sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Thea Astley, Faith Da Silva, at VXON Patrick.

Samantala, ang digital dance stars na magpapakitang gilas naman ay sina Zeus Collins, Dasuri Choi, Joshua Decena, JM Yrreverre, at Kakai Almeda.

Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 na sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang naganap na mediacon ng Stars on the Floor: