What's on TV

WATCH: Ang kuwento ng kauna-unahang pumila para sa #TheStarStruckExperience

By Maine Aquino
Published January 22, 2019 10:10 AM PHT
Updated January 22, 2019 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Isang StarStruck hopeful ang pumila sa unang araw ng audition kasama ang kaniyang ama at baon ang pangarap na matulungan ang kaniyang pamilya.

Dinagsa na ng mga kabataang may pangarap maging celebrity ang unang araw ng audition para sa bagong season ng StarStruck.

Isa na rito si Mabygale Morana mula sa Calumpit, Bulacan, na natulog sa daan upang subukin na abutin ang kanyang pangarap na mapasok sa StarStruck.

Kuwento ni Mabygale, January 20 pa lamang ay nakapila na siya para sa January 21 Manila auditions.

"Kahapon po ng 4 ng hapon. Natulog po kami diyan sa gilid ng GMA. Naglatag lang po kami ng karton at aluminum foil,” aniya.

Baon ang kaniyang pangarap na tulungan ang kanyang ama, pumila si Mabygale sa audition ng reality-based artista search program.

"Kasi po wala pong tumutulong sa amin.

“Kaya po kahit po mahirap, pinupursige po ni Papa na maahon lang po kami sa hirap,” sabi ni Mabygale.

Ayon kay Mabygale, sakaling palarin man siyang magwagi, tutulong siya sa kaniyang ama sa pamamagitan ng pagbili ng bahay para sa kanila.

"Unang unang bibilhin po ay bahay po. Kasi po wala po kaming bahay ngayon, nakikitira lang po kami sa tita ko po."

Sa ginanap na auditions ay masaya umano si Mabygale na naipakita niya ang kanyang talento para matupad ang pangarap.

Aniya, "Masaya po ako kasi nabigay ko po yung best ko. Gumaan na po yung pakiramdam ko."