
Sa bagong artista test ng StarStruck, napasabak ang ating Final 11 sa romantic drama scene.
For this week's artista test, ang tumayong mentor ng Final 11 ay si Direk L.A. Madridejos, at ang kanilang mga naging kaeksena ay ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Ken Chan.
Ayon kay Direk L.A., nais niyang makita kung ano ang gagawin ng Final 11 sa isang eksena kung saan kailangan nilang makipag-break sa kanilang co-actor.
Sa Inside StarStruck ay ipinakita ni Kyline ang pagsalang ng boys sa eksena kasama si Barbie. Ano kaya ang collaboration na ginawa nina Direk L.A. at male Hopefuls para sa kanilang breakup scene? Ano ang na-observe ni Barbie sa kanyang mga nakasama sa eksena? Panoorin ito.