
Maliban sa kabi-kabila niyang endorsements, busy ngayon si Heart Evangelista sa pagiging StarStruck council member at mentor sa reality artista search.
Aminado si Heart na malapit na raw ang kaniyang turn para sumabak sa isang challenge kasama ang artista hopefuls.
Aniya, “Actually kinausap na nila ako kasi ako na lang 'yung hindi nagpe-perform.
“And so, abangan na lang nila kasi magpe-perform na ako.”
Ang kaniyang pasabog? Isang performance inspired ng Korean pop girl group na BLACKPINK.
“I'm a fan of BLACKPINK.
“So, I'm gonna perform something that I really love from BLACKPINK,” ani Heart.
Noong nakaraang linggo, sumabak ang mga artista hopefuls sa isang acting challenge kasama si Cherie Gil.
Dito, hindi lang nila nakasama sa eksena kung 'di nakasampalan pa nila ang primera kontrabida.
Abangan ang performance ni Heart sa StarStruck, tuwing Sabado at Linggo sa GMA 7!
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
WATCH: Heart Evangelista lauded for her advice segment on 'StarStruck'
Final 10, ipapakita ang galing sa The Cherie Gil test ng 'StarStruck'