
Hindi pinalampas ni Kyline Alcantara na alamin ang mga intriga sa loob ng StarStruck.
Isa riyan ay ang pagkakabuking ni Lexi Gonzales na may crush siya kay Radson Flores.
Si Lexi kasi ang pinaka-concerned matapos mapagalitan si Radson ni Direk Gina Alajar sa kanilang huling artista test.
WATCH: Sinu-sino sa Male Artista Hopefuls ang pinagalitan at pinuri ni Direk Gina Alajar?
Kwento ng dalaga, "Napagalitan siya pero para sa'kin okay lang kasi magagamit po niya 'yun. It's an honest mistake na anyone can make.
"In-absorb naman niya lahat ng sinabi ni Direk Gina. Sinabi niya na tatandaan niya 'yun para sa susunod naman na artista test."
Panoorin ang buong panayam sa August 6 episode ng Inside StarStruck: