
Makapigil hininga ang Sabado at Linggo ng StarStruck season 7 dahil sa action test ng Final 8.
This week, ipapakita nina Allen Ansay, Kim De Leon, Abdul Raman, Radson Flores, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Dani Porter, at Pamela Prinster ang kanilang mga ginawang artista test under Direk Dominic Zapanta. Nakasama rin nila dito ang aktres na si Jean Garcia.
Malalaman na rin kung ano ang resulta ng Last Chance Challenge nina Jeremy Sabido at Ella Cristofani. Abangan ang lahat ng ito ngayong Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl at Linggo pagkatapos ng Daig Kaya ng Lola Ko.