
Sa Inside StarStruck, binalikan ni Kyline Alcantara ang mga pinagdaanan ng StarStruck Artista Hopefuls ng Season 7.
Marami na ang naganap sa original reality-based artista search. Ilan na ang natanggal, bumalik, at binigyan ng second at pati na rin last chance. Meron na rin sa kanilang nagpapakilig sa isa't isa.
Ilang artista tests na rin ang kanilang pinagdaanan sa iba't ibang direktor at nakaeksenang iba't ibang artista.
Balikan ang kanilang StarStruck journey dito sa Inside StarStruck.