
Ngayong weekend ay make or break moment na ng StarStruck male hopefuls.
Sa kanilang eksena sa direksyon ni Don Michael Perez, ginawa nila ang kanilang hardest artista test. Ito ay ang heavy drama kung saan nakaeksena nila ang Kapuso child star na si Yuan Francisco.
Ang test na ito ay ang magiging basehan kung sila ay makakatungtong sa Final 4.
Panoorin ang naging paghahanda nina Kim De Leon, Abdul Raman at Allen Ansay sa Inside StarStruck.