What's on TV

Heart Evangelista, Cherie Gil, and Jose Manalo give their message for 'StarStruck' season 7 Final 4

By Maine Aquino
Published September 9, 2019 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista Cherie Gil and Jose Manalo give their message for the Final 4 of StarStruck season 7


Proud na proud ang 'StarStruck' council na kinabibilangan nina Heart Evangelista, Cherie Gil, and Jose Manalo sa Final 4 ng season 7.

Proud na proud ang StarStruck council na kinabibilangan nina Heart Evangelista, Cherie Gil, and Jose Manalo sa Final 4 ng season 7.


Last September 7 at 8, kinilala na sina Shayne Sava, Lexi Gonzales, Allen Ansay at Kim De Leon bilang Final 4. Sila ang maglalaban ngayong darating na Sabado at Linggo para sa titulong Ultimate Male and Female Survivors this season.

Ibinahagi ni Heart na masaya siya sa layo ng narating nina Shayne, Lexi, Allen, at Kim sa kompetisyon.

Saad niya, "You deserve this, you worked so hard. Congratulations and all the best!"

Si Cherie naman ay sinabing para sa kanya, maituturing nang winners ang apat.

"Wala na, this is it! For me, you're winners already dahil ang dami niyo nang pinagdaanan. I cannot thank you guys enough for making me a part of making your dreams happen and come true."

Nagpasalamat naman si Jose dahil nakinig sila sa mga payo nilang judges at dahil dito, nakapag-perform sila nang maayos.

"Nagpapasalamat din kami sa inyo dahil lahat ng sinasabi namin sa inyo, tinatanggap ninyo para pagdating doon sa araw na 'yun piling-pili niyo, maibabato nang maayos, magagawa nang maganda. Para sa inyo 'yun, good luck!"

Abangan ang Final Judgment ngayong darating na Sabado, pagkatapos ng Daddy's Gurl at ngayong Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.