
Thankful ang Final 4 ng StarStruck na sina Shayne Sava, Lexi Gonzales, Allen Ansay, at Kim De Leon na sila ay nakatungtong sa Final Judgment.
Pero hindi pa nagtatapos ang kanilang laban. Sila ay maglalaban pa para makuha ang titulong Ultimate Male and Female Survivors ng season 7.
Sa kanilang interview with Kyline Alcantara sa Inside StarStruck, ibinahagi nina Shayne, Lexi, Allen, at Kim ang kanilang mga gagawin para magwagi sa StarStruck. Panoorin ang kanilang mga sagot.