IN PHOTOS: Meet the star-studded cast of 'Start-Up Ph'

Nalalapit na ang pagpapalabas ng pinakabagong drama series na inihahandog ng GMA Network.
Ito ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Start-Up na tiyak na mamahalin ng mga Kapuso gabi-gabi.
Mapapanood at makikilala sa 'Start-Up Ph' ang iba't ibang karakter na mayroong nakaaantig na kuwento tungkol sa pag-abot ng mga pangarap, estado sa buhay, pagpapatakbo ng negosyo, pag-ibig, at ang bawat istorya ng kanilang mga pamilya.
Pagbibidahan ito ng Kapuso prime stars na sina Alden Richards at Bea Alonzo.
Mapapanood din dito ang iba pang mahuhusay na mga artista, na magbibigay-buhay rin sa kuwento ng naturang drama series.
Kilalanin ang star-studded cast ng pinakaaabangang drama series na 'Start-Up Ph' sa gallery na ito:


















